Mga serbisyo
Rebisyon ng dokumento
Pagwawasto ng grammar at bantas
Layunin ng pag-proofread na masinsinang hanapin sa nakasulat na dokumento ang mga error at iwasto ang mga ito para matiyak ang accuracy, clarity, at consistency. Mahalagang hakbang ito sa proseso ng pagsulat na tumutulong sa pagtanggal ng mga pagkakamali sa grammar, pagbabaybay, at bantas. Nakatuon din ang pag-proofread sa pagpapabuti ng pangkalahatang daloy, coherence, at readability ng teksto. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa dokumento, nakakatulong ang pag-proofread sa pagtukoy at pagwawasto ng mga error na maaaring hindi nakita noong unang isinulat at inedit ito. Pangunahing layunin dito na makagawa ng pulido at walang error na papel na mabisang naipapahayag ang nilalayong mensahe sa mambabasa.
Pag-proofread at pagwawasto ng estilo
Layunin ng pag-edit ng teksto ang pinuhin at pahusayin ang nakasulat na dokumento para mapabuti ang pangkalahatang kalidad, clarity, coherence, at bisa nito. Ang pag-edit ng teksto ay komprehensibong pagsusuri ng nilalaman, estruktura, wika, at estilo ng teksto para matiyak na tumutugon ito sa layunin at epektibong naipapahayag ang mensahe sa target audience.